RICHARD ALBANO: ANG PNP-GENERAL NA HUMULI AT NAGPAKULONG KAY TOP DRUG LORD PETER CO


Napag-uusapan ngayon ang 5 heneral ng PNP na ayon kay Pangulong Duterte ay protektor ng top drug lord ng bansa na si Peter Co at ng iba pang drug lord…

Pag-usapan naman natin si ret. PNP Gen. Richard Albano na naging susi para madakip at makulong si Peter Co.

Si Gen. Albano, na nuo’y Supt. Richard Albano ng WPD-Detective Trackers Section (DTS), kasama ang kanyang mga tauhang sina SP03 Edgardo Abaga, SP01 Danilo Mante, SP01 Antonio Castillo, at P02 Roberto Diaz ang nakahuli sa grupo ni Peter Co at nakumpiskahan ng kilo-kilong shabu sa parking lot ng Twin Dynasty Tower sa Maynila nuong Agosto 15, 1999.

Nang matalagang hepe ng Quezon City Police si Gen. Albano, sunod-sunod na malakihang operasyon laban sa drug syndicate ang kanyang ginawa. Pinakamalaki ang P.250-B worth ng shabu nuong April 25, 2013, meron din silang nakumpiskang P25-M worth ng shabu nuong May 27, 2014 at P15-M worth ng shabu nuong August 8, 2014. Talagang groge ang drug syndicate sa tropa ni Gen. Albano.

Pero sa kabila ng mga accomplishement na ito, biglang sinibak ni dating DILG Sec. Mar Roxas si Gen. Albano nang dahil lang sa ilang pulis-Laloma na nang-hulidap sa Edsa , gayong wala namang kinalaman si Gen. Albano sa raket ng mga pulis na ito, at katunayan ay hindi kinunsinte ni Gen. Albano ang mga pulis na nang-hulidap at ipinaaresto, ipinakulong, kinasuhan at pinasuspinde silang lahat ni Gen. Albano.

Sa kanyang pamamaalam sa kanyang mga tauhan sa QCPD, talagang naiyak si Gen. Albano dahil sa kabila ng kanyang mga accomplishement laban sa droga ay sibak ang inabot niya kay Mar Roxas….

Ang ipinalit nuon ni Mar Roxas kay Gen. Albano ay si Gen. Joel Pagdilao na isa sa isinasangkot ni Pres. Duterte na protektor ng drug syndicate.

Comments

comments