Duterte: Walang atrasan laban sa katiwalian

Puno ng gigil at muling naging matigas ang mga pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte sa usapin ng paglaban sa korapsyon kahapon.

Sa talumpati ni Duterte matapos tanggapin ang inilatag na 10-point agenda ng mga negosyante sa ginanap na business forum na tinawag na Sulong Pilipinas sa Davao City, binanggit muli ng incoming President sa televised speech nito kung gaano ito ka-allergic sa korapsyon.

“Let me be very brutal and frank to you, all corruption must stop now and I would address to all Filipinos who want to do something for your country and never had the opportunity because wala ngang nagyayaya sa inyo, ngayon na ninyo gawin kasi ako na…ayaw ko talaga ng corruption it makes me sick…,” sabi ni Duterte.

Kasabay nito ay muling nagbitaw uli ng babala si Duterte.

“Hindi ako atras dyan, corruption ‘yung airport tanim-tanim na ‘yan wala na ‘yan. Kakainin mo talaga ‘yang bala maniwala ka. Hindi ako nagyayabang `pag inabot ako ng bakokang, laki kasi ng tenga ko pumapasok yung mga kung anong insekto. ‘Pag may isang umiikot dyan sa utak ko, sipain kita sa publiko. Lahat sinabi ko it has to stop. Matagal na masyadong bugbog ang Filipino,” ayon kay Duterte.

Comments

comments